Ito na marahil ang hinahangad ng karamihan sa ating mga Pilipino, ang umunlad at maging masagana ang bansang Pilipinas upang wala nang mahirapang Pilipino. Maraming paraan upang maging maunlad ang ating bansa, ngunit sa paksang ito, magpo focus tayo sa pagunlad ng bansa gamit ang ating pambansang wika.
Sa paggamit ng wika sa pag unlad ng ating bansa, maraming itong matutulong. Katulad na lamang ng paggamit ng wika upang maipahayag ang mga produkto na pwede mong i benta at ipakilala sa inyong lugar upang ang negosyo ay lalong umunlad. Sumulat ng mga libro o na aayon angkop sa kagustuhan ng tao at dapat ito'y tiyak na kapupulutan ng aral, I publish ito at gamitin ito upang kumita. Maaari itong gawin sa paraan ng paggamit ng totoong libro o pag susulat online. Tumulong din sa pag lunsad ng mga programa ukol sa pag unlad ng bansa, isama rin ang paksa na maaaring umunlad ang Pilipinas gamit ang sarili nating wika, ibahagi ito sa mga taong na nais matuto at umulanlad ang buhay.
Inihayag ko ang sarili kong opinyon ukol sa paraan ng pag unlad dahil hindi ito imposible at maari itong makatulong hindi lamang sa sarili mo kundi makatulong din sa ating bansa, at para narin matulungan ang iba nating kababayang kapos at hirap sa buhay. Nawa ang blog na ito makatulong upang mapaunlad ang ating bansa hindi lang ngayon, kungdi sa mga susunod pang henerasyon.
No comments:
Post a Comment